Hindi mo na raw kailangan mag-train nang maayos para mag-build ng muscle basta nagki-creatine ka. Pero sa totoo lang, tool lang ang creatine — hindi siya yung dahilan kung bakit biglang magbabago yung katawan mo. Marami kasing nag-aakala na kapag nagki-creatine ka, automatic lalaki na yung katawan mo. Pero paano ba talaga gumagana ang creatine? Creatine works by giving your muscles extra energy. Isipin mo yung muscles mo parang may maliliit na battery. Kapag nagwo-workout ka, mabilis maubos yung battery na ’yon. Kapag nagki-creatine ka, mas mabilis ma-recharge yung battery ng muscles mo. Ang result, mas malakas ka sa workout mo, mas marami kang reps na nagagawa, at mas mabigat yung nabubuhat mo. In short, mas gumaganda yung performance mo sa training. Isa pa, nakakatulong din ang creatine sa recovery. Mas mabilis mawala yung soreness ng muscles mo pagkatapos ng training, kaya mas fresh ka sa next workout mo. Ibig sabihin, kaya mong mag-train ulit nang maayos at hindi yung laging pagod o drained. Mapapansin mo rin na mas may pump ka habang nagwo-workout. Dahil nagho-hold ng water ang creatine sa loob ng muscle cells, mas nagmumukhang full yung muscles mo habang nagte-training ka. So paano ba siya iniinom? Simple lang. Isang scoop lang every day, kahit anong oras mo gusto. Ang pinakaimportante lang talaga dito ay consistency. Ngayon, lalaki ba talaga yung katawan mo dahil sa creatine? Hindi. Hindi direktang nagpapalaki ng katawan ang creatine. Creatine doesn’t build muscle. Ang ginagawa niya, tinutulungan ka niyang mag-train better at mag-recover better. At dahil mas maayos ang training at recovery mo, doon nagkakaroon ng muscle growth. At syempre, kailangan mo pa rin ma-hit yung macros mo. Hindi ito magic — tool lang siya. Ayusin mo yung training mo, lalo na yung pagkain mo, tapos gamitin mo yung creatine para mas masulit mo yung effort mo. Ganun lang kasimple.